Tuesday, April 23, 2019

PAGMAMAHAL SA INANG KALIKASAN


      Sa kasulukuyang panahon ngayon tayo ay nahaharap sa istadong "Global Warming" na kung saan nagbabago ang tempiratura ng ating klima o sa ingles "Climate Change". Ito ay kagagawan ng ating pagiging iresponsable at kawalan ng pake pagdating sa ating kalikasan, na kung saan ito ay nagdudulot sa epekto na pagkakaroon ng maruming hangin o polusyon sa ating kapaligiran. Habang lumilipas ang panahon, patuloy rin ang pagkupas ng ating kapaligiran dahil sa ating kapabayaan. Dahil sa pagbago ng temperitura at pagkakaroon ng polusyon dumarami ang na-aapektuhan, hindi lamang tayong mga tao kundi ang mga hayop rin. Ang mga hayop ay nawawalan ng kanilang mga tirahan at pinagmumulan ng pagkain at inumin dahil sa pagbabago ng ating panahon. Dahil rito dumarami ang mga hayop na na-eextinct o nawawala sa ating mundo. Dahilan ito ng pagtapon natin ng mga basura at pag-gamit ng mga produktong may masamang epekto sa kalikasan, dahil dito onti-onting nasisira at kumukupas ang kalikasang bigay saatin ng panginoong diyos.

"TANAWIN"
"PUNO'T HALAMAN"
"KAGUBATAN"
"ULAP"
"TUKTOK"
"LANGIT"
"KAGANDAHAN NG KALIKASAN"
"ALIW"
"PARKE"
"BACKGROUND"
"BASURA NG KALIKASAN"
"BERDE"
"ARAW"
"ANTIK"
"LANDSCAPE"


      Upang ma-preserba ang ating kalikasan, matuto tayong tumayo sa ating mga paa at tayo'y dapat na kumilos upang malunasan ang problemang "Climate Change at Polusyon". Matuto tayong mahalin ang ating kalikasan at isipin ang posibilidad na epekto ng ating mga aksyon. Kung maaari ay iwasan natin ang paggamit ng mga bagay na makakasama sa ating kalikasan at mag-isip o gumamit ng alternatibong bagay upang malunasan ito. Isipin natin kung gaano kasayang ang ating kalikasan kung masisira lamang ang mga ito ng basta-basta. Protektahan at mahalin natin ito dahil hindi lamang tayong mga tao ang nakikinabang dito kundi ang mga hayop rin. Iwasan nating isipin ang ating kapakanan lamang kundi ang kapakanan ng kararami. Magtulungan tayong ayusin ang inang kalikasan habang hindi ba huli ang lahat, upang tayo'y hindi magsisi sa huli.